Libreng Edukasyon, Karapatan ng Bawat Pilipinong Mag-aaral

ANG LIBRENG EDUKASYON AY PARA SA LAHAT.

Isang Posisyong Papel na tumatalakay sa Republic Act 10931 o mas kilala sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ikinataba ng puso ng mga mag-aaral ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na naglalayong magbigay ng dekalidad na pang-kolehiyong edukasyon para sa mga Pilipino nito lamang nakaraang Ikalima ng Agosto.Ang edukasyon ay para sa lahat.Sang-ayon sa nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Seksyon 1 ‘Dapat pangalagaan at itaguyod ng estado ang karaptan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay sa edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon.’ ibig sabihin, obligasyon ng gobyerno na ibigay ang karapatan at pangangailangan ng mga nasasakupan nito lalo na ang sapat at pinag-isang sistemang pangedukasyon na naaangkop sa pangangailangan ng sambayanan at lipunan. Sumakatuwid, nararapat lang na matamasa ng masa ang libreng edukasyon noon pa lamang.Ang inaasam na libreng matrikula sa kolehiyo ay mistulang naging bato dahil kontradiksyon ng pagsasabatas ng libreng edukasyon, hindi kasama sa makakatanggap ang mga graduate students, post-graduate students, delayed students at ang binansagan ni Senador Ralph Recto na ‘Magna-nine years na sa isang course’ ng libreng matrikula. Kung kaya naman umalma ang ilang mga estudyante ng ilang State Universities. Sa ganitong konsepto, naniniwala sila na ang lahat ng estudyante ay pantay pantay at dapat na maranasan ng lahat ang tinatamasa ng isa.Ang edukasyon ay karapatan.Ayon sa International Human Rights Law, ang edukasyon mula sa primarya hanggang sekundarya ay nararapat na libre. Maging ang matrikula ng kolehiyo ay libre din. Dagdag pa rito, kinakailangan din na ang bawat estado ang siyang unang gumawa ng hakbang para sa pagkamit ng libreng matrikula. Bukod pa rito, nakasaad din hindi dapat ipairal ang konsepto ng kahit anong uri ng diskriminasyon sa larangan ng edukasyon (Talata 38, General Comment)Ang pagsasabatas ng libreng edukasyon ay tagumpay ng bawat Pilipinong mag-aaral gaya ng pagkakakahulugan ng AnakBayan. Ipinahayag naman ng Presidential Spokesperson na si Aquillino Pimentel III na ito ay isang napakahalagang pangyayari sa lkabila ng opresyong nagaganap sa Marawi.Sabi nga ‘Education is the mostpowerful waepon that you can use to change the world.’ Ang pagsasabatas nito ay katumbas ng pag-asa ng ginhawa, katumbas nito ang kinabukasan ng mga kabataan at ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng libreng edukasyon ay malinaw na indikasyon na ang bansa ay may kakayahang makipagsabayan sa integrasyon at modernisasyon. Ano na lamang ang maiaambag natin sa mundo kung walang kakayahan ang mga kapos na makapag-aral? Paano tayo makikipagsabayan sa mundo kung mang-mang ang karamihan sa atin?Nararapat lang na gawing libre ang edukasyon!Nararapat lang na ilaan ang buwis sa edukasyon!Nararapat lang na punlaan ng kaalaman at hindi ng kasakiman ang utak ng mga Pilipino.Nararapat lang na pandayin ang isip ng mga Pilipino sa pamamagitan ng libreng edukasyon.

Mabuhay ang bansa!

Mabuhay ang matatalinong Pilipino!

“Don’t let schooling interfere with your education.“

Leave a comment